"Boss, kung ikaw si Rod Runner. Bakit ang blog header mo ay mga batang tumatakbo sa tubig? Di ba dapat sa Road?"
Good observation! Talagang binasag mo bungo mo para lang dyan ha!
Pero, oo nga ano... bakit nga ba?
Well... Sa mga hindi po nakaka-alam (ats if, este as if may iba pang interesado malaman bukod kay koya), lumaki po ako malapit sa dagat (Manila Bay, Roxas Blvd). Ang aking lolo ay isang mangingisda. At ayon sa aking Nanay, sanggol pa lang ako ay madalas na ako isama ng aking lolo sa dagat tuwing sya ay papa-laot upang mangisda.
Noon, madalas din ako maglaro sa tabing dagat kasama ng aking mga kaibigan kapag walang pasok sa eskwelahan. Wala pa yang Macapagal Blvd... wala pa yang Coastal Road. Maitim nga lang ang buhangin sa Manila Bay, pero napakalinaw ng tubig. Makikita mo ang mga maliliit na isda at mga pana-pana (sea urchins) na nagkalat.
Ayan koya, napahaba tuloy. Sana nasagot ko katanungan mo.
Teka, baka may magtanong kung marunong ako lumangoy. Opo, marunong ako lumangoy. Pero sabi nga ng isang kaibigan sa takbo nun nakita ako lumangoy sa pool, langoy-dagat daw ang alam ko.
Di ko alam na meron palang langoy-swimming pool... :p
meron! :) at alam ko may langoy aso din! :) wahahahah!
ReplyDeleteTimmy
ReplyDeleteahhh! master mo na yan langoy aso di ba? hehehe
koya, poidi ka magtrayatlun!
ReplyDelete