"Don't take the first step, if you're planning to cheat... " - Anonymous
Actually, imbento ko lang yang quote na nasa itaas... hehehe.
Kidding aside, kung binabalak lang naman mangdaya sa karera, sana huwag na lang sumali...
Mas matatanggap pa ng lahat ang mag DNF tayo, kesa sa mandaya...
Maraming makaka-kita sa iyo. Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!
Dahil naging saksi na ako sa ganitong pangyayari....
50K Ultra 2010...
Tumakbo ako noon sa isang lugar sa may Visayas.
Matarik ang ruta, na-tempt ako mamulot ng mga putol na sanga ng puno para gawing tungkod. Pero di ko ginawa, pakiramdam ko kasi pandaraya din yun. Patag naman kasi yun ruta, matarik nga lang.
May naabutan ako dalawang mama. Ang kaso, magkatali ang kanilang mga baywang. Hinihila ng isang manong ang isa pa... Para sa akin, ang lagyan ng tali ang baywang at magpahila ay isang uri na din ng pandaraya.
42K Milo Marathon 2009...
Pagkatapos ko tumakbo/lumakad ng 42KM. Binalikan ko yung ibang kaibigan mananakbo para bigyan ng suporta. Pag-sapit ko sa tapat ng Aristocrat, binati ko si Runner X ng.. "Okay ka pa?" At sumenyas sya ng "thumbs-up".
Nun aking naabutan ang mga kaibigan, na-i-kwento ko sa kanila na nakasalubong ko si Runner X. Dito ko nalaman na nag-quit na pala ito at sumakay ng bus sa may bandang Buendia.
Kaso, eto ang malupit. Kumuha ng medal si Runner X at proud na proud pa na ibinandera ito...
Miles for Smiles 2010 - 16K race
ReplyDeleteMay isang grupo ng mananakbo na galing sa isang prestihiyoso at kagalang-galang na institusyon ng bansa ang sumali dito. Kilala ang grupong ito na malalakas at matitipuno. Ang turn-around point ng 16K ay nasa Gate 3 sa Bayani Road. Napansin namin na iilan lang galing sa grupong yun ang dumaan sa turn-around point. Akala namin nahuli lang yung iba nilang kasama. Pagbalik sa kanto ng Bayani at Lawton nandun pala ang iba nilang kasama naghihintay at pinaghati-hatian nila ang mga loop-cord na gawa sa plastic straw... ANG KAKAPAL NG MUKHA!!!
Racs
ReplyDeletetalagang kagalang-galang? hehehe. i-add ko itong comment mo sa post ha. ;)
hmmmm...sayang lang ung reg fee, training (kung nag training man) at iba pang expenses kung mandadaya ka lang...pero baka naman hindi nya alam na nandaya siya? hmmm, pwede ba un?
ReplyDeleteala lang..:)
~joveh
Joveh
ReplyDeletebaka yun ang iniisip nila... sayang ang gastos kung di sila makakakuha ng medal..