Thursday, October 7, 2010

Bakit Kami Malayo Tumakbo?

Ilang beses ko na narinig ang tanong na iyan

Di ko alam kung kayo ay nasisiyahan

Alam ko na mabilis kayong tumakbo

Kitang-kita naman sa listahang ginawa nyo

Pero, kaya mo bang sumabay sa amin?

Try mo lang... Tignan natin kung iyong kakayanin.

Siguro akala mo kami'y mayayabang

Hindi po, ang mga pangyayari ay nagkataon lamang

Nagkataon lamang na mas masaya kaming tumakbo ng malayo

Kaysa sa makipaghabulan sa oras at makipagmabilisan sa maraming tao

Kami ay natutuwa sa narating ng bilis ninyo

Baka pwedeng matuwa din kayo

Sa amin na malayo ang tinatakbo

Hindi kami nakikipag unahan kanino man

Hindi rin naman kami nakikipag-paligsahan

Ang aming mga sarili ang aming kalaban

Kaya, utang na loob walang pakialaman

Pero, bakit nga ba maikli lang ang iyong tinatakbo?

Ikaw ba ay natatakot sa mahaba, at baka ito'y di makayanan mo?

Huwag kang mag-alala pag iyong sinubukan

Kami ay laging nasa paligid at handa kang tulungan

Hindi naman kami mga suplado

Kami ay handang tumulong, nakita mo na ba kung paano?

Tara na, sa amin ay sumama

Alam kong gusto mo din, kaya't tama na ang drama

*Bow... aytenkyu...

12 comments:

  1. Nice one, Rod! ;)

    Dadami ang ultrarunners nito!

    ReplyDelete
  2. nice one, 'tay rod!
    sama... hehehe!

    ReplyDelete
  3. tay, sino na namang kaaway mo? hehehehe

    ReplyDelete
  4. RD
    bored lang... =p

    Juls
    tara! we miss you na... sched tayo ng LSD sa cali. =D

    Poj
    sana nga dumami... para kumonti ang tatarget dun sa mga mabibilis. =D

    Yan
    leshgo!!!

    Tim
    kaaway? wala naman. ikaw gusto mo ng kaaway? hingi tayo dun sa nakikialam. dami na tuma-target. =D

    ReplyDelete
  5. nice papi rod. tara lets na hehehehehehe-ambow-

    ReplyDelete
  6. tara na at sumama sa masayang takbuhan :)
    malayo man masaya naman ! :) at walang pakielamanan :)

    marky_mark

    ReplyDelete
  7. Marky
    korrreeeekkk.... hehehhee!

    congrats bro!

    ReplyDelete
  8. Master
    You're late! =p

    Aylabmaypoemtoo... ;)

    ReplyDelete

Ehem...