Monday, March 5, 2012

Tatlong taon ng walang ka-kwenta-kwentang blog...

Naka tatlong taon na pala itong blog ko. Biruin mo yun?

Nahawa lang ako sa mga runner / blogger na gustong mag-kwento ng kanilang mga karera.

Pero hindi ko dito sa blogger.com inumpisahan magsulat... Nilipat na post galing sa lumang friendster ang aking unang nilagay... (oo, ako na ang baduy)


Sinipag mag-sulat at nasundan ng isa pang post...

At naulit ng naulit...

Ginawa ko itong blog na ito para may paglagyan ako ng kwento ko, ng mga nakikita ko sa mga karera.

Hindi ko ginawa ito para magkaroon ng libreng race kit.

Nakakakuha ako dati ng libreng race kit dahil sa sister company ng dati ko pinapasukan ang isang brand ng relos (TIMEX... ehem).

Well... noon yon. Saka hindi naman palagi. Nagbabayad din naman ako. (depensib lang?)

Kung tama ang aking pagka-alala... ang unang race na nakakuha ako ng libre as a blogger ay yun 2nd QCIM noon 2010. At nasundan pa ng iba.

May mga nakapila na naisulat ko na, pero medyo kulang pa eh. Kaya di ko pa ma-post.

Meron kwento tungkol sa BDM 160 ko na dalawang beses ko na ginawa. Di ko natapos yun unang 160... yun sumunod natapos ko kaso beyond cut-off.  *sniff*

Anyways, salamat sa mga nakiki-subaybay sa walang ka-kwenta-kwentang blog na ito. Medyo tinatamad ako mag-sulat ng mga walang ka-kwenta-kwentang kwento kaya puro mga race schedules ang madalas nakalagay.



2 comments:

  1. hahaha! nakakatawa naman ang iyong pag-amin :-)

    ReplyDelete
  2. Congratulations, Rod.runn3r! :) More years of blogging.

    ReplyDelete

Ehem...